Monday, February 24, 2020

duterte's honest mistake

nanawagan ako sa kapwa kung pilipino na ipaalam natin sa mahal nating presidente na sana wag sirain ang relasyon natin sa estados unidos.

before i continue, gusto ko malaman ng viewers na i'm a duterte supporter. idol ko si duterte. sumulat nga ako ng napakahabang blog na nag justify sa EJK - https://ian-crystal.blogspot.com/2017/04/rare-perspectives-on-extra-judicial-killings.html

alam ko na walang manood sa videong eto. ang gusto ko lang ay masabi ko na "i did my part sa pagtulong ng bayan". delikado talaga tung ginawa ni president duterte. kung mahal mo ang bayan nating pilipinas at mahal mo ang mga anak at apo mo, e share mo to. actually mas mabuti kung meron kang charisma at may history ka na ikaw ay duterte supporter, gumawa ka ng sarili mong video na i hope maging viral. pero pag kilala kang anti duterte wag ka nang gumawa ng video kasi baka mawalan ng credibility ang mensaheng eto. i'm not saying mali ang mga anti duterte i respect everyone's opinion i'm just saying na mas maging malakas ang mensahe para kay duterte kapag nanggaling sa sariling niyang mga supporters.

usually wala akong pakialam sa mga issues kasi kapag ang bagay maging issue, ibig sabihin halos kalahati sa mga tao ay sa-sangayon at halos kalahati naman ay hind sangayon. or ibig sabihin maraming napakatalinong tao ang sangayon at maraming napakatalinong tao ang hindi sangayon. in short, masyadong complicated usually ibig sabihin wala talagang nakaalam kung anong tamang gawin so ang solusyon lang ay mag boto tayo at kung sino ang nanalo sa eleksyon yun ang sundin. halimbawa sa EJK, ang masabi ko lang is although i feel it's the right thing to do, i recognize that it's too complicated. just because i feel something does not mean i think it's right. pero halata sa nakaraang eleksyon sa senado na karamihan sa pinoy ay sangayon kay duterte. pero of course majority sentiment is not always right. 300 years ang majority sa US nag support sa slavery. for centuries ang catholic church at mga katoliko ay naniwala na ang mundo ay flat, at lahat na bakla kagaya ni vice ganda ay pupunta sa impyerno.

hindi din naman ang prinsipyo or morality or batas ang palaging tama kasi if pag may invading army nag rape sa asaw at anak ko sa harap ko, i won't go "hahaha joke's on you because you are the bad guys and we are the good guys". kapag tinotorture ka, masaya ka ba dahil ikaw ang mabait at sila ang masama?  the americans decimated the native indians to near extinction. massacre yun pare. ano ngayon? saan ang hustisya? wala !!! ang nangyari is: kaunti nalang ang mga native indians. yun lang.

isa pang example: 300 years naging slave ang mga ninakaw galing africa. kahit isang tao lang maging slave buong buhay napakalaking evil na yun. unimaginable evil. but nangyari yun sa milyong milyong mga inosenteng africans na walang kasalanan. sino ang nagbabayad sa mga kasalanang yun? wala !!! nag civil war nga pero hindi dahil sa slavery - kasi ang mga taga north sa america nalulugi na sila hindi na sila mka compete sa presyo sa produkto ng south kase free labor nga eh. ikaw kung mag tayo ka nang factory or negosyo at hindi mo kailangang mag sahod sa mga empleyado mo simpre goodbye ang lahat mong kompetensya. and, hindi na rin kailangan ng north ang slaves kasi meron ng mga machines dahil sa industrial revolution. so greed and self interest pa rin ang nanalo hindi prinsipyo at hustisya.  ganon palagi ang history nang mundo. pag 1933, ang mga anak ng mga slaves lumipat nga sila sa party ng mga slave owners, yung democrats kasi ang great new deal ni roosevelt magbibigay sa kanila nang trabaho. trinaydor nila ang party ni abraham lincoln, ang republican party na nagpalaya sa kanila.

ang importante talaga sa tao kasi is - PAGKAIN SA MESA. or food on the table. atchaka safety and security. na walang drug addict na mag rape sa anak nilang babae habang naglalakad galing sa skwelahan. yung mga prinsipyo, parang guide lang yun. kaya kahit ang pilipinas ay isa sa napakadevoted na catholics sa buong mundo, nung nag mumura si duterte sa santo papa, ang isip nang mga tao is, basta patayin mo ang mga drug dealer buboto pa rin ako sa iyo.

pero ang relasyon natin sa estados unidos ay hindi issue. sa ingles - no brainer. wala akong alam na tao na sangayon kay duterte sa pag sira sa relasyon natin sa estados unidos. except of course sa mga leftist pero kaunti lang sila at ang buong blog ko ay nagpatunay na ang mga leftist ay naive or delusional or walang alam sa reality - puro lang prinsipyo at scientific facts pero ang puso or feelings ng tao hindi ma measure. of course maraming leftist ay genius at napakabait na tao pero binale wala nila ang puso at true nature ng mga tao. ang problima kasi ang human nature hindi yan ma scientifically studied. yung king sa leftist ng buong mundo, si noam chomsky, e google nyo yan, napakatalino, pero naniwala talaga sya na ang pagmamayari ng bagay or right to own property is immoral at hindi daw natural. ang reason daw bakit gusto ng tao nang sariling bahay or cellphone dahil daw sa propaganda. ano bang klaseng katarantaduhan yan?

kahit ang mga pro duterte senators, at kanyang cabinet at ang mga generals sa military ay hindi sangayon. kaya masabi ko na hindi issue to at mali talaga ang decision ni duterte.  pero kung let's say lahat na pro duterte ay sangayon sa kanya at lahat na anti duterte ay against, then yun ang issue na masyadong complicated na wala talagang nakaalam kung anong dapat gawin.

naniwala ako ni etong mali ni duterte ay tinatawag na "honest mistake". naniwala ako na wala siyng masamang intention. alam ko na pinakagusto pa rin ni duterte ang kaunlaran at kaligayahan ng pilipino. pero walang perpekto na tao. lahat nagkamali.

ang good news is, pwede pa rin si duterte mag bagong isip. it is the duty of duterte supporters to let duterte know that we are scared to death with his decision.

alam ko na ang estados unidos ay hindi mabait. hindi sila perfect. maraming malaking kasalanan ang estados unidos sa pilipinas. yung sine na "heneral luna" wala yun. nagtaka nga ako bakit nagustuhan ng mga leftist yun na hindi naman talaga napakita ang mga mali na nagawa ng estados unidos sa atin.  pero obvious naman siguro na ang china ay mas masama or "greater evil" at ang estados unidos ay "lesser evil". tingnan mo lang ang suppresyon na ginawa ng gobyerno ng china sa sarili nilang mamamayan. hindi ako galit sa china. siguro necessary yung ginawa ng gobyerno nila or it's what's best for them. ang sabi nga ni trump, "president xi is just doing what he thinks is best for his country". sabi ni trump malaki ang respeto nya sa china.

yung sinabi ni panginoong duterte na rude daw ang estados unidos. ewan ko pero sa tingin ko napakalaking good news yun. ang estados unidos ay napaka powerful na bansa. kung tingnan mo lang ang history ng mundo, dapat magpasalamat tayo na ang estados unidos ay "rude" lang.  para ba kung may magsabi na si darth vader ay rude. sabihin nang lahat, "rude lang? let's hope yun lang". pero panoorin nyo sa youtube ang ginawa ng china sa mga uyghurs. i'm sure hindi sangayon si duterte sa mga ganon kasi malaking supporter sya sa bangsamoro law na nagbibigay nang autonomy sa mga muslim regions.

at tingnan mo lang ang pag handle ng china sa corona virus. as if, bahala na maraming mamamatay basta lang hindi masira ang businesses nila.

and remember, walang pulis ang mundo !!! pag yayari-in tayo ng china hindi tayo pwede mag report sa pulis. pero merong de-facto pulis - ang estados unidos. eh kung pinagalit natin sila, eh siympre hindi tayo tulungan pag niyari tayo ng china.

another good news is merong simpleng solusyon na magawa mo or ma contribute mo sa problemang eto. simple lang pare - ipaalam natin sa mahal nating pangulo na ibahin ang isip nya. siguro pag ma convince si president duterte na takot ang pilipino sa china at mas gusto natin ang proteksyon ng estados unidos, magbago ang isip nya.

e share mo tong video na to. or gumawa ka ng sarili mong video. pag maging viral ang mga video na gaya nito, i think duterte will have a change of heart.

although sa tingin ko hindi talaga to maging problema kasi alam ng estados unidos ang katotohanan na gusto talaga ng halos lahat na pilipino ang proteksyon ng estados unidos at takot tayo sa china. maybe hintayin nalang nila na matapos ang term ni duterte. but just to be sure, let's do this anyway.

(for more of my knowledge bombs, click the "ian's knowledge bombs" banner at the top of this article and choose any article in the table of contents that piques your interest)

No comments:

Post a Comment